Sunday, November 09, 2008

tao po.

natatawa ako right now.

sa gitna ng pag-inom ng praline mocha frappe at pagbrabrowse ng pictures sa multiply, ay biglang sumambulat sa akin ang mensaheng ito:

Verify You Are Human

Verification:
There's been a lot of activity on your account that appears to be automated. This sort of thing isn't allowed on Multiply, which is intended for humans to share their lives with their human friends!

Please enter the code shown below to verify your humanity. If you're a visually impaired human, click here and our customer support robots will help you out.

ok payn. alam ko ang mga spamming activities na ginagawa ng ilang mga walang magawa sa mundo... pero naaliw lang ako na talagang tinatanong pa kung tao talaga ako.

at ang mga words... talagang, VERIFY YOUR HUMANITY.

hanep. bigla akong nagkaroon ng epiphany moment: sana ganito kadali na lang pag-confirm ng pagkatao ng tao. pasak ka ng ilang titik... kaboom! malalaman mong genuine ang isang tao or isang lintiang ipu-ipo ng kahuwaran.

sa mundo kasi natin ngayon, ang dami nang sinungaling... mga 'di mapagkakatiwalaan... mga mapagpanggap na salaula. sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bilang na bilang lang sa daliri ang mga totoong taong nakakahalubilo mo. well, kahit ang mga kaibigan mong maituturing, minsan parang pinagkakanulo ka - nag-ko-connive.

minsan, sinusumpong ako ng social withdrawal. nararamdaman ko kasi ang pakiramdam nang parang pinipilit mo ang sarili mo sa iba... at ayoko ng feeling na 'yun. walang obligasyon ang mga kaibigang tanggapin ka or i-accommodate ka palagi. pero tayo, bilang tao, may likas tayong kakayahang makipagkapwa.. bagay na minsan, nakakalungkot, itinatatwa natin - sadya man o hindi.

ganito lang talaga ang mundo. maikli ang buhay para sayangin sa mga taong hindi naman mahalaga. kailangan na lang isipin na kung kaya kang iwaglit nang ganon-ganon na lang kahit sa tagal ng pinagsamahan ninyo, paano pa kaya sa panahon ng gipitan kung kailan kailangan mo talaga sila...

tao po? tao po? wala na yatang tao.


Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]