Wednesday, December 19, 2007
hiling
bawat hapon ng tag-araw, sa may durungawan
tatanghod ako at mamasdan
ang mga guryong gumuguhit sa himpapawid -
malayang umaalimbuyog sa bulong ng hangin,
na tila walang hangganan ang maaring lakbayin.
makulay ang larawang kanilang huhubugin
mula sa tagni-tagning hampay ng makulay nilang gayak
sa saliw ng sayaw na mistulang walang maliw.
ligaya ang ihahatid sa mga paslit na namamangha
habang bahagya kong mimithiin na ang lahat
ay kasimpayak na lamang ng aking tanawin.
pupukaw rin sa akin
ang tunguhin ng mga guryon ay nakakawing din:
sa pising maaring kumitil sa kanilang pagliwaliw
at sa hanging pakabig silang kakaladkarin,
pahahayuin sa daungang hungkag at pilit.
ngunit ang punit at patid ay paglalapatin
sa pagsubok na lumipad muli.
lalamlam ang mga ulap sa pagtatakipsilim.
lilisan silang nakikipaglaro sa hangin,
habang ako'y makukubli pa rin
nananabik
sa iyong pagbabalik.

Subscribe to Posts [Atom]