Tuesday, September 20, 2005

trip to cubao

sa paghihintay ng masasakyan, may na-realize ako.
tama si britney. "my loneliness is killing me.."

ang hirap palang mag-isa.
though minsan iniiisip mong ayos ka lang, bigla na lang sasambulat sa'yo ang pakiramdam na parang may kulang sa buhay mo.
nakakainggit ang lahat na lang ng tao parang masaya sa special someone nila.
nakakainggit na gusto mo rin na sana ikaw may
ka-holding hands,
ka-smack,
kayakap,
kabiruan,
katitigan,
katabi sa pagtulog,
ka-sex,
kaaway,
katulong,
kakrung-krungan.

ilang linggo ko na ring pinagpra-practice-an ang isa kong officemate at nag-si-simulation kami ng aking mga gagawin kung maging kami ni OC (*office crush). tawa na nga lang kami nang tawa ng aking matiyagang kunsintidorang officemate - hereafter refered to as MKO in short - sa mga pasaway kong moments.

minsan tinanong ko si MKO nang pauwi kami minsan isang gabi mula sa opisina kung ano ang mga qualities ko raw kung bakit mai-in love si OC sa akin. cute daw ako. at mabait. (duh. hindi ako naniniwala -- low self-esteem part 49.) sabi pa nya, magaling daw akong mag-masahe. bentahe ko raw yan dahil promise daw, sa sobrang husay ko, hindi ako iiwanan ni OC.

nagtatanong pa nga ako kung bakit kami dapat. ang sagot ni MKO, kasi raw bagay kami ni OC. swak sa height, medyo pareho kami ng interests, playful daw ako -- meaning hindi mabo-bore sa akin si OC, at higit sa lahat, alam nyang si OC daw ang magpapasaya nang lubos sa akin.

more than 1 year ko na ring crush si OC. grabe, major to. hindi ko alam kung anong meron siya, pero nung ko siyang makita, sobrang drawn ako sa kanya.
parang nagkita na kami before -- at may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
pero well, hanggang ngayon. hindi pa kami friends. talking about tsope here. hanggang tingin na lamang ata ako talaga.

pero ang nakakabanas kasi, hindi ko maintindihan si OC. hindi ko matantya kung gusto ba niya ako or kahit man lang katiting na interes, e meron sya sa akin...
minsan kasi, hindi niya ako pinapansin. hindi naman din kami nag-uusap.
pero eto, minsan nahuhuli ko siyang tumitingin.
at honest, kinikilig ako kapag ganon.

wala namang masamang mangarap na mahalin rin ako.
tao lang ako. nangangailangan din ng human warmth at affection.
pero siguro, i would've been better off kung puno ako.
tuod.
bato.
alikabok.
pero ewan, feeling ko kasi, wala rin atang magmamahal sa akin romantically.
at yung papasa sa standards ko naman kahit papaano. (naman, syempre dapat may spice of wanting naman ang relasyon no!)

para kasing ang nangyayari ngayon, nasa bus stop ako at naghihintay para sa isang bus, na halos maduling-duling na ako sa paghihintay, pero hindi pa rin dumarating.
na hindi mo alam kung dapat ba maglakad ka na lang pauwi.

bata pa nga ba ako? yeah right.
eternally single at 22. eat that.

ngayon, upang di lamunin ng depression na naman ang utak ko,
kailangan ko ata munang magrationalize na lang ulit.
(balik sa square one.)
na mas masaya maging single.
na mahirap maging may karelasyon.
na masyadong komplikado ang buhay ko ngayon.
na dapat hindi mawala ang focus sa career.
na hindi pa ata panahon.
na hindi dapat hinahanap ang pag-ibig, kusang ibibigay yun.
na darating din siya. konting pasensya lang.

hay.
late na. ayokong maburo dito.
papara na lang siguro ako ng taxi.

Comments:
gravah...naiyak ako at natawa jan promise darling...pero ano ka ba ur just 22 eh meron nga jan 40 years old na single pa rin...kaya wag ka masyado mag isip ng lovelife..at sinasabi ko sau...love ka non promise...isipin mo na lang.....ham yan..hehehhehee...
 
fren, don't be sad. bee happy! :) tama ka sakit ang ulo ang may ka-relasyon.. haha.. shhhh! but i know what you mean.. basta, wag mainip.. unahin mo na lang ang career dahil jan siguradong malayo ang mararating mo :)

oist, yung date natin ha!
 
o ayan na. sumagot na ako riabee... naghihintay naman ako e. pero ang tagal nyang bumaba sa bus stop ko. nasaan kaya sya?

nasa floor kaya namin sa office? hahahaha.
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]