Thursday, August 04, 2005

bloody mary

anak ng tokwa.

bumangga ang ulo ko kanina sa jeep. ang lakas! ang sakit... nung una, inisip ko, ayos lang ako... nung bumaba ako ng jeep at sumakay ng trike papuntang ateneo, kinapa ko ang bumbunan ko...

MAY DUGO!
shet.

i'm serious... pootakte. ano ba namang araw to. pagdating ko sa admissions office ng ateneo, nakita ko sina ate kamille at ate mel, at naikwento ko ang umpog ko sa jeep. at dali-dali akong kinaladkad ni ate kams sa infirmary.at ayun, first aid... nilinis ang sugat. nilagyan ng betadine. nag-ice compress. hay... hindi ko talaga inexpect na magdudugo siya... tiningnan ako ni doc after 10 mins at sabi naman niya'y minor scratch lang naman. at binigyan ako ng midol (di ba pang-dysmenorrhea yun??)...

o well, the downside is MAY POKNAT NA AKO!
fudge. di na ako puede magpasemical! grrrrrrh...
anyway, salamat nga pala kay ate kamille sa tulong.
hay. o well, at least, i'm okay. pero medyo masakit pa rin ang ulo ko.

pati rin naman ang puso e. (but that's a another story... sa susunod na lang.)

Comments:
ey i like the last part and i love the way you said it...it makes people wonder...hihihihi
 
pwede pa yan... semi-kal i mean
:-P depende lang sa pagdadala yan hehehe
 
aysos! hay... sana nga. kaso lang. sana di gano malaki ang poknat. nasa gitna pa kasi ng ulo ko. hay.
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]